31

By

Construction worker binoga ng riding-in-tandem

Agaw buhay ngayon sa pagamutan ang isang construction worker nang pagbabarilin ng riding in tandem kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Airforce General Hospital sanhi ng apat na tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si Mark Joey Bagaporo, 37, nakatira sa no. 1046 Dao Palad St., Brgy. 201, Merville ng naturang lungsod.

Sa report na nakarating sa tanggapan ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente ala-1:40 ng madaling araw sa harapan ng isang bahay sa no.46 Dao Palad St., Brgy 201, Merville, Pasay City.

Base sa pahayag ng isang saksi hindi na binanggit ang pangalan , nakarinig siya ng sunod-sunod nang putok ng baril mula sa naturang lugar at namataan nito ang dalawang kalalakihan na magkaangkas sa isang motorsiklo na walang plaka na mabilis humaharurot.

Dito na natagpuan ang duguang biktima, na kaagad namang dinala ng ilang concerned citizen sa nabanggit na ospital.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima at nagsasagawa n rin ng masusing imbestigayon hinggil sa insidente.(Armida D. Rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?