1,170

Jun 30, 2020 @ 16:55
By

Congratulations Philippines! Mga netizen inasar si Roque

Bumaha ng mga meme sa social media dahil sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na na-beat daw ng Pilipinas ang prediksyon ng UP na aabot sa 40,000 ang kaso ng coronavirus sa bansa sa katapusan ng Hunyo.

“Wala pong katotohanan ‘yung 10,000 [backlogs], 1,000 plus na lang po ang ating backlog which means we did not hit 40,000 or we will not hit 40,000 by end of June,” ani Roque sa press briefing.

“Today is the last day na pala. Ano bang sinasabi ko. Wala na po, panalo na tayo! We beat the UP prediction po. We beat it so congratulations, Philippines! Let’s do it again in July,” wika pa niya.

As of June 29, 2020, nasa 36,438 ang kaso ng coronavirus sa bansa.

Dagdag ni Roque, hindi pa rin aabutin ang 40,000 case prediksyon ngayong Martes dahil 1,000 lang ang backlogs.

Inulan ito ng pag-aasar ng mga netizen at nag-No. 1 trending ang Congratulations Philippines at Roque.

Ilan sa kanila ang nagsabing UP pala ang kalaban ng Pilipinas at hindi ang COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?