607
Congrats brader! LeBron binati ang ex-PBA import
By

Congrats brader! LeBron binati ang ex-PBA import

Si Los Angeles Lakers superstar LeBron James ang patunay sa samahang walang iwanan.

Ibinalita ni Romeo Travis, dating naglaro para sa Alaska Aces at Magnolia Hotshots sa PBA, ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo sa University of Akron.

Suot ni Travis ang kanyang toga habang hawak-hawak ang kanyang diploma.

Bumuhos ang pagbati para sa Ohio native, isa na rito ang kanyang matalik na kaibigan na si LeBron.

Malayo ang pinanggalingan ng dalawa, naging magkakampi sa high school team ng St. Vincent-St. Mary High School bago tumungtong si James sa NBA na ‘di kalaunan ay naging household name ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?