60

Mar 25, 2020 @ 20:05
By

Cong. Villar team nag-deliver ng mga face mask, hygiene kit sa mga ospital

Namigay na ang Cong. Villar team ng mga face mask at hygiene kit sa mga ospital at health center sa Las Piñas.

Laman ng mga hygiene kit ay sabon, galon-galong sanitizer at alcohol.

Idineliver ito sa mga ospital sa lungsod at 32 barangay health center at office para magamit ng mga health worker, medical personnel at staff na siyang nasa frontline sa paglaban ng bansa sa COVID-19.

Kabilang sa nabiyayaan nito ang Las Piñas General Hospital, Perpetual Help Las Piñas, Pope John Paul Hospital at Las Piñas Doctors Hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?