1,477

Apr 1, 2020 @ 17:27
By

Cong. Camille Villar namahagi ng mga grocery sa 20 barangay sa Las Piñas

Daan-daang mahihirap na pamilya ang pinasaya ng team ni Cong. Camille Villar matapos itong mag-distribute ng mga grocery pack sa may 20 barangay sa Las Piñas na apektado ng enhanced community quarantine.

Nitong Miyerkoles, Abril 1 natanggap ng anim na barangay ang unang batch ng mga grocery item.

Maliban sa mga grocery, namigay din ang Team Camille Villar ng mga face mask at hygiene kit gaya ng sabon, galon-galong alcohol at sanitizer sa iba’t ibang ospital, barangay health worker at 32 barangay health center sa lungsod.

Nag-donate rin ang pamilya Villar ng mga disinfecting apparatus, face mask at Crystal Clear drinking water sa mga government hospital.

Kabilang sa nakatanggap ang siyam na government hospital.

Tatlong gusali rin ang kanilang tinurn-over para pansamantalang magamit ng Las Piñas General Hospital bilang extension ng ospital at tirhan ng mga healthcare worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?