76

By

Cone: Walang problema sa Game 1

Semis 1 Sabado: (Smart Araneta Coliseum)

6:30pm — NorthPort vs. Ginebra

Pagkatapos ng dalawang linggong ceasefire para bigyang-daan ang SEA Games, balik ang laglagan sa PBA Governors Cup semifinals.

Uumpisahan ng Ginebra at NorthPort ang bakbakban sa best-of-five series mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Bukas ang umpisa ng kabilang pairing ng TNT at Meralco sa Big Dome din.

Balik si coach Tim Cone at mga alipores niyang sina Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio at Greg Slaughter sa Ginebra pagkatapos ng tagumpay na gold medal campaign sa SEAG.

“For teams in the semifinals, it seems like a long time between games,” ani Cone. “But for Ginebra, it seems like a really quick turnaround.”

Habang abala sa Games si Cone at ang Gilas Pilipinas, walang bakasyon-grande sa Ginebra. Si coach Olsen Racela ang naiwang taumbahay.

“Coach Olsen did a great job of keeping our guys sharp and ready during the SEA Games,” dagdag ni Cone.

Hindi tumigil ang ensayo ng Gins para hindi kalawangin. Mataas ang momentum ng mga galing sa SEAG na sumabak sa semis.

“Those players who participated in the SEA Games are pumped to get the semis going,” wika pa ng first-time gold medalist coach sa SEAG. “I think we’ll be alright in Game 1.”

Bukod kay Christian Standhardinger na pumapel din sa Gilas, taas-noong sasabak sa semis ang No. 8 Batang Pier matapos ilaglag ang twice-to-beat at No. 1 NLEX sa quarters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?