51
Cone wala pang nakitang tulad ni Chris Ross
By

Cone wala pang nakitang tulad ni Chris Ross

Ilang dekada nang coach sa PBA si Tim Cone pero ngayon lang siya nakakita ng player na sobra ang naging improvement at nag-evolve bilang isang “superstar”.

Sa Twitter ito sinabi ni Cone at itinag pa ang pinatutungkulan niyang si San Miguel guard Chris Ross.

“Never in my 30 years of coaching have I seen a player improve so much from the beginning of his career to now than Chris Ross. Just hard work. Evolved into a superstar,” tweet ng multi-titled coach.

Kaugnay ito ng pag-iinit ng mga kamay ni Ross sa Game 2 semifinals match nila kontra Rain or Shine sa 2019 PBA Commissioner’s Cup noong Lunes.

Nagpaulan si Ross ng sampung 3-point shot sa 34 points na sinahugan niya pa ng walong assists at tatlong steals.

Inahon ni Ross ang Beermen sa pagkakalubog ng 29 points para hablutin ang 2-0 lead laban sa Elasto Painters, 117-105.

Isang panalo na lang ang kailangan ng SMB para makaabanteng muli sa PBA finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?