191

By

Cone pina-kiss si Pringle kay Chua

Halata ang galak sa mukha ng PBA winningest coach at Ginebra mentor na si Tim Cone sa kanyang muling pagsungkit sa PBA Governor’s Cup sa ikasiyam na beses.

Sa kanyang speech ay pinasalamatan niya ang mga Ginebra fan at nagpasimula pa ng chant ng pamosong koponan.

Kanya ring pinasalamatan ang kanyang coaching staff, maging ang SMC boss na si Ramon S Ang dahil sa pagbuo ng koponan na wagi ng tatlong Gov’s Cup trophy sa nakalipas na apat na season.

“I’m very lucky because I coach this guys, and I’m very lucky because boss Ramon S Ang, he puts this team together… he deserves all the credit,” saad ni Cone.

Pinagdasal din ni Cone si Rsa dahil sa anak nito na nasa malubhang kalagayan.

Inasar din ni Cone si Pringle, na nagpasalamat kay Ginebra team manager Alfrancis Chua dahil ito ang naging tulay para makuha nila ang star guard.

“He was the one who put the Stanley Pringle deal and put him over here and gave us another championship,” saad ni Cone.

“Stanley you owe him a kiss,” biro ni Cone habang tinuturo si Chua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?