70

By

Cone hanga sa Myanmar player

May isang player ang Myanmar na kinabiliban ni coach Tim Cone – si Aung Myint.

Kahit tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Myanmar 136-67 nitong Biyernes sa MOA Arena, si Myint ang bumalikat sa laban ng kanyang team.

Mula sa field ay 12 of 26 si Myint, 4 for 15 mula long range, at may 7 rebounds pa sa loob ng 30 minutes.

Walang duda na siya ang pamato ng Myanmar.

“He was awesome. He was making some incredible shots,” ani Cone.

Sa unang bahagi ng laro ‘di agad namarkahan ng Pilipinos si Myint kaya nakapanalasa.

Dahil dito nakakuha pa ng kumpiyansa ang Burmese.

“When we started playing him hard, he already had that confidence. He was making shots all over the place,” wakas ng coach.

Maliban kay Chin Ta na 7 of 14 sa field tungo sa 14 points, 11 lang sa 50 pukol ang naipasok ng iba pa nilang kakampi.

Ginawa ni Myint ang damage sa first half, nanalasa ng 14 sa opening frame at may 18 sa break. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?