131
Commander patay sa bakbakan ng MILF at MNLF sa Cotabato
By

Commander patay sa bakbakan ng MILF at MNLF sa Cotabato

Nasawi ang isang field commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang sugatan ang kasamahan nito matapos makasagupa ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Mlang, North Cotabato noong Linggo.

Kinilala ang namatay na opisyal ng MILF na si Jun Panangulon, ng 108th brigade, habang sugatan naman sa insidente si Toto Mangulayan.

Batay sa inisyal na ulat, sakay ng motorsiklo sina Panangulon at Mangulayan patungong plantasyon ng mga saging sa Purok 3, Barangay Gaunan nang komprontahin sila ng nasa apat na miyembro ng MNLF dakong alas-kuwatro ng hapon.

Nagkaroon ng pagtatalo ang magkabilang panig na nauwi sa barilan.

Lumabas umano sa imbestigasyon na away pamilya ang pinagmulan ng iringan sa pagitan ni Panangulon at pamilya ng MNLF.

Pag-aari umano ni Pangungulon ang banana plantation sa Barangay Gaunan kung saan nakabase ang mga miyembro ng MNLF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?