53

By

Comelec sa mga botante: Huwag gawing batayan ang mga survey

Umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na huwag gawing gabay sa kanilang pagboto ang mga naglalabasang survey.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang mga survey ay nagpapakita lang sa kung sino ang kandidato ang sikat sa ngayon habang nalalapit ang halalan.

Hindi aniya nakapaloob sa mga survey ang background at mga nagawa ng isang kandidato.

Kaya pakiusap ng Comelec, huwag idepende ang survey ang kanilang mga iboboto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?