82

By

Comelec nagsimula nang mag-imprenta ng balota para sa May polls

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado ang pag-iimprenta ng mahigit na 63 milyong official ballots na gagamitin sa May 13 elections sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Ayon kay Comelec Printing Committee vice chairman Ma. Victoria Dulcero, target nilang matapos ang pagpi-print ng may 63,662,481 na balota para sa local polls at overseas absentee voting sa Abril 25.

Tatakbo umano ang tatlong printers ng NPO ng 24/7.

Maliban umano sa opisyal na balota, mag-iimprenta rin sila ng kabuuang 1,142,063 na balota na gagamitin bilang final testing and sealing para masubukan ang vote counting machines.

Dagdag ni Comelec spokesperson James Jimenez, unang iiimprenta ang OAV ballots, susundan ng para sa Mindanao, Visayas, Luzon at huli ang sa National Capital Region.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?