33
comelec1
By

Comelec nagbabala sa mga kandidato para sa campaign period

Sharing is caring!

Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa national positions kaugnay ng pagsisimula ng campaign period bukas, February 12, 2019.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dapat sundin ng Senatorial candidates at party-list groups ang mga panuntunan sa pangangampanya.

Partikular aniya ang Comelec rules sa campaign materials at advertisement.

Dapat aniya ang sukat ng poster o tarpaulin ay two feet by three feet at dapat ay nakalagay ito sa common poster area.

Sinabi ni Jimenez na mahaharap sa kaukulang parusa ang mga kandidatong hindi susunod sa panuntunan ng poll body.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?