PH 3x3 lumapit sa Olympics

Nzeusseu, Marcelino naisahan ang Blazers

Pinagtibay nina Mike Nzeusseu at Jaycee Marcelino ang pagkapit ng Lyceum of the Philippines Pirates sa second spot ng team standings sa 95th NCAA basketball tournament.


Lugo, Mapua Cardinals pinasuko ang Generals

Nagtambalan sa opensa sina Noah Lugo at Warren Bonifacio upang angklahan ang Mapua Cardinals sa pangalawang sunod na panalo matapos pasukuin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 79-76, sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.


Salado pabibo, Arellano panalo

Uminit ang opensa ni Kent Salado sa endgame upang tulungan ang Arellano University Chiefs na kayurin ang Perpetual Hlep Altas, 91-86, at kalsuhan ang kanilang three-game losing skid sa second game ng 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City, Huwebes ng gabi.


Canlas, Red Lions nilapa ang Bombers

Kumayod si James Canlas ng 18 points, pitong rebounds at dalawang assists upang akbayan ang defending champion San Beda University (SBU) Red Lions sa 12-game winning streak matapos lapain ang Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers, 65-47, sa 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


Kung wala si Tankoua timbuwang kami – Boyet

Pakay ng defending champion San Beda University Red Lions na sakmalin ang 12-game winning streak kaya paniguradong kapit ulit sila kay Donald Tankoua pagharap nila sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa pagpapatuloy ng 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


wesley-so

Wesley namuro sa Round-of-16

Namumuro si super grandmaster Wesley So sa Round-of-16 matapos kalusin sa Game 1 si GM Santosh Vidit ng India sa FIDE World Cup 2019 knockout sa Khanty-Mansiysk sa Russia kahapon.


PVL sisiklab sa Bacolod

Pagkakataon na ng mga volleyball fan sa Bacolod na masilayan nang malapitan ang kanilang mga idolo sa pagdayo ng 3rd PVL Open Conference 2019 elims sa USLS Coliseum, Bacolod sa Oktubre 13.


Dell, Air Force tuloy ang ligaya

Kumadena ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers matapos pagulungin ang Pacific Town-Army Lady Troopers, 25-22, 25-21, 25-19, sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City Sabado ng gabi.


Canonoy, 2 pa susulong sa Quantum Zero team

Magsasanib-puwersa sina Michael Renz Canonoy, Jerry Areque at Raffy Lobitana para rendahan ang Quantum Zero chess team sa 2nd Libayan-Libayan Tatluhan Chess Team Tournament 1975 average ratings ngayong araw sa League One Southgate Mall sa Makati City.


Lugo nangalabaw, Mapua lusot sa 2 OT

Dalawang overtime ang kinailangan ng Mapua University Cardinals para kalusin ang Letran Knights, 105-101, sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan Biyernes.


4th win sinindihan ng JRU Bombers

Kinapitan sina Agem Miranda at Marwin Dionisio ng Jose Rizal University Heavy Bombers upang pasabugin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 69-63, sa 95th NCAA men’s basketball tournament Biyernes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


Blazers dapa kay Bulanadi, Stags

Patuloy ang pagpapakitang-gilas ni Allyn Bulanadi kaya naman nasilo ng San Sebastian College Stags ang five-game winning streak sa 95th NCAA men’s basketball tournament, Huwebes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


PH 3x3 lumapit sa Olympics

Opensa ng Lyceum pokus kina Nzeusseu, Marcelino

Mananatiling kina Mike Nzeusseu at magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino kakapit ang Lyceum of the Philippines Pirates para sikwatin ang back-to-back wins pagharap nila sa Perpetual Help Altas alas-4 ng hapon sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Tankoua tumuhog ng 19 points kontra Altas

Tankoua, San Beda angat sa 10-0

Nagsalansan ng tig-13 points sina local Evan Nelle at Clint Doliguez, maging si Cameroonian Donald Tankoua upang akayin ang defending champion San Beda University Red Lions sa 98-66 panalo kontra naghihingalong Emilio Aguinaldo College Generals sa 95th NCAA basketball tournament sa first game sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


PH 3x3 lumapit sa Olympics

Mag-utol na Marcelino ibabangon ang Lyceum

Ibabangga ng Lyceum of the Philippine University sina Jaycee at Jayvee Marcelino upang kalsuhan ang kanilang two-game skid pagharap nila sa Arellano University Chief sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Cool Smashers perpekto; Valdez, Gumabao solido

Kapit-bisig sina volleyball superstar Alyssa Valdez at Michele Gumabao upang tulungan ang Creamline Cool Smashers na walisin sa tatlong set ang BaliPure Water Defenders, 25-8, 25-19, 25-14, sa ikalawang laro ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Paglubog pinigilan ni Gonzaga, Pacific

Tinuldukan ng Pacific Town-Army Lady Troopers ang three-game skid nang akbayan nina Jovelyn Gonzaga at Honey Rose Tubino sa 25-18, 25-18, 25-13 panalo kontra Chef’s Classic Lady Red Spikers sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference, Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


chess

IM Bersamina pinisak si Quizon sa Balinas Cup

Sampa sa tuktok si IM Paulo Bersamina matapos kalusin si IM Daniel Quizon sa round 10 ng 2019 GM Rosendo Balinas Memorial Cup chess championship sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place sa Makati City, Sabado.


Unang round winalis ni Oftana, San Beda

Hindi maawat sa pagpapakitang-gilas ni Calvin Oftana kaya naman nawalis ng defending champion San Beda University Red Lions ang first round ng 95th NCAA men’s basketball tournament.