SEC nagbabala sa 4 grupo ng investment scam

Nagbababala ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa apat na grupong nangangalap ng investments sa publiko nang walang kinaukulang lisensiya at maaring ikalugi ng maglalagay ng kanilang mga ipon dito.


DA ine-exempt ang commercial farms sa culling vs. ASF

Dalawang beses nang pinalitan ng Department of Agriculture (DA) ang patakaran nitong 1-7-10 protocol para ma-exempt ang mga malalaking commercial farm sa culling habang mabilis itong magpapapatay ng mga baboy sa mga maliliit na backyard farmer.


Kontrata ng kuryente sa Zamboanga, inireklamo kay Cusi

Dumulog na ang mga residente ng Zamboanga City kay Energy Secretary Alfonso Cusi sa pagpupumilit ng National Electrification Administration sa diumanong iregular na kontrata ng Zamboanga City Electric Cooperative Inc. (Zamcelco) at ng Crown Investment Holdings Inc.


Jollibee, magbebenta ng siomai sa China

Pumirma ng kasunduan ang Jollibee Foods Corporation ni Tony Tan Caktiong sa Tim Ho Wan ng Hong Kong para magsosyo sila sa pagbebenta ng dim sum sa mainland China.


3 warehouse sa Valenzuela kinandado ng BIR

Pinasara pansamantala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tatlong warehouse sa Valenzuela City dahil sa hindi nito pagsunod sa mga registration requirement na naaayon sa Tax Code o sa National Internal Revenue Code of 1997.


Facebook, IG, Youtube, libre sa Globe

Manlilibre ang Globe ng mga Ayala ng 1 gigabyte sa Facebook, Instagram, at YouTube sa mga prepaid subscriber nito na magrerehistro sa mga promo nitong nagkakahalagang P20 pataas.


R&L Investments ‘di pa nakabangon

Matagal nang patalo ang R&L Investments Inc., ang suspendidong stock brokerage firm na sinisisi ang iisang clerk sa pagnanakaw diumano rito nang P700 milyon mula sa mga account ng mga kliyente.


SEC nagbabala vs Mybitclaim Trading

Nagbabala ang Securities and Exchange Commission laban sa Mybitclaim Trading Corp. na nagso-solicit ng mga investment sa publiko ng walang kinauukulang lisensiya.