Sotto kay Bato: Attend ka ng sesyon sa Lunes

Dahil nag-viral ang “sarap ng buhay!” na pahayag nito noong Martes, pinadadalo ni Senate President Vicente Sotto III si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa sesyon ng Senado sa Lunes.


Lapid sa mga telco: Ilibre sa internet ang mga estudyante

Naghain si Senador Manuel “Lito” Lapid ng isang resolusyon para malaman kung maaaring obligahin ang mga telecommunication company na magbigay ng libreng internet access sa online learning portals, educational websites at iba pang digital platforms.


Petisyon ni Calida nakaapekto sa ABS-CBN shutdown – NTC

Inamin ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang hakbang ni Solicitor General Jose Calida pa mapawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN ay naging ‘factor’ sa kanilang desisyon na ipatigil ang pag-ere ng TV network.


Bayanihan Law palalawigin bago magsara ang Kongreso – Sotto

Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na aaprubahan ng Senado ang pagpapalawig sa Bayanihan Law na nagbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang coronavirus pandemic bago magsara ang sesyon ng Kongreso sa Hunyo 3.