408
60-anyos na negosyante patay sa pamamaril sa Digos

Colonel binaril ng tauhan sa loob ng himpilan

Malubhang sugatan ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) nang harapang barilin ng kaniyang tauhan sa loob ng tanggapan ng Police Mobile Force Company (PMFC) sa Agusan del Sur, Biyernes ng gabi.

Sa report, ang insidente ay naganap dakong alas-9:25 ng gabi, Disyembre 6 sa ADS 2nd PMFC Barak’s, Purok-1, Bunawan Brook, Bunawan.

Nakilala ang biktima na si PLt. Col. Rex Lomente, may asawa, nasa hustong gulang, force commander ng ADS 2nd PMFC sa Bunawan Brook, Bunawan.

Agad namang tumakas ang suspek na si Patrolman Jhon Paul Gerida, Class-2015 Alagad, nasa hustong gulang, may asawa at nakatalaga sa ADS 2nd PMFC company.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, narinig na nagtatalo umano ang biktima at ang suspek sa loob ng nasabing tanggapan nang biglang bunutin ni Gerida ang kaniyang .45 cal. pistol at pinaputukan ang colonel.

Nang marinig ang putok ng baril ay agad na nagresponde ang mga tauhan ng colonel at nang makita itong duguan ay agad na isinugod sa Bunawan District Hospital bago inilipat saTagum Regional Hospital kung saan ito ngayon inoobserbahan ng mga doktor.

Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na pulis. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?