37

By

Collegiate Conference, papalo na sa Agosto 17

Aarangkada na sa Agosto 17, Sabado, ang Premier Volleyball Season 3 Collegiate Conference kasama ang 12 teams.

Para sa Pool A, maglalaban-laban ang Adamson University, Ateneo de Manila University, San Beda University, San Sebastian College-Recoletos, University of Perpetual Help System-Altas at Colegio de San Juan de Letran.

Magtatapat naman sa Pool B ang Arellano University, De La Salle- College of Saint Benilde, Far Eastern University, Lyceum of the Philippines University, Technical Institute of the Philippines at University of Santo Tomas.

Lumiban ngayong Collegiate Conference ang reigning champions University of the Philippines kaya asahan na hahataw ang mga collegiate teams para masungkit ang titulo sa liga.

Tanging ang top two teams bawat grupo ang aabante sa best-of-three semifinals at ang magwawagi ay maghaharap sa best-of-three finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?