23
2 HS students huli sa paghithit ng marijuana sa eskuwelahan
By

College student tiklo sa marijuana

Arestado ang isang estudyante ng unibersidad matapos makuhanan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng kanyang bag habang papasok sa eskuwelahan sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang estudyante na kinilalang si Nathaniel Razonable, 23, 2nd year college student ng University of Makati.

Sa ulat na natanggap ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, alas-10:45 ng umaga nang madakip ang suspek sa nabanggit na unibersidad sa JP Rizal Extension.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang nag-iinspeksyon ang security guard (hindi na binanggit ang pangalan) sa mga gamit ng mga estudyante na papasok sa nabanggit na unibersidad, napansin nito ang kahina-hinalang nakabalot sa isang yellow pad at kanya itong binusisi hanggang sa nakita nito ang pinatuyong dahon ng marijuana na tangkang ipapasok sana ni Razonable.

Bukod sa marijuana, may nakuha pang glass tube na may bakas pa ng marijuana mula sa suspek.

Kaagad na inaresto ng guwardiya si Razonable at dinala sa himpilan ng Makati City Police.

Kasalukuyan nakakulong ang nasabing estudyante at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?