19

May 22, 2020 @ 15:26
By

Collab nina Lady Gaga, Ariana Grande 300K likes na

Ilang oras pa lang mula nang ipalabas ang audio video ng collab nina Lady Gaga, Ariana Grande ay humakot na agad ito ng 308,000 likes.

Umani na rin ang kantang “Rain on Me”, na pinost sa YouTube account ni Lady Gaga, ng halos 53,000 comments.

Samantala, Top 1 trending ang awit sa Twitter Philippines ngayong Biyernes ng hapon, Mayo 22.

Ang “Rain on Me” ay parte ng pang-6 na album ni Lady Gaga na “Chromatica,” na lalabas sa Mayo 29.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?