157

By

Coleen naiiyak ‘pag hindi nakikita si Billy

Kung noong nakaraang taon ay isang fake news ang na-release na pre-nuptial photos nina Billy Crawford at Coleen Garcia, ang kari-release na bagong pre-wedding photos ng dalawa ay totoo na.

Dati kasi ay kinontra ni Coleen ang naunang photos na kinunan sa Europe, pero itong mga pics nila na kinunan sa Thailand ay tahimik ang soon-to-be Mrs. Coleen Garcia-Crawford.

Parang isang inosenteng dalaga ang peg ng Kapamilya actress na naka-white dress at vine crown, samantalang si Billy naman ay naka-beige suit.

Lalanggamin nang husto ang pose ng dalawa kung saan ang bride-to-be ay nakapikit habang nakadikit ang kanyang katawan sa kanyang magiging mister at nakahawak ang kamay sa dibdib.

Si Billy naman ay emote rin habang naka-kiss ito sa kanang gilid ng ulo ng kanyang magiging asawa very soon.

Anyway, inamin na nga ni Coleen na ngayon pa lang ay ramdam na niya ang pagiging Mrs. Crawford. Nalulungkot at naiiyak na nga raw siya kapag hindi niya nakikita si Billy.

At feel niya na hindi rin siya pagbabawalan ni Billy na magtrabaho. Gusto pa rin daw niyang mag-work dahil ayaw niyang iasa kay Billy ang mga personal na panggastos niya, o pagbili ng mga luho niya. (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?