97

By

Coco napasubo kay Jennylyn

Ginanap ang presscon ng movie entry ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25.

Kabilang sa makakasama rito ni Coco sina Ai Ai delas Alas, Jennylyn Mercado at Sam Milby.

Kuwento ni Coco, may isang eksena na napasubo siya.

“Kasi, since ako nga ang direktor, kinukuwento ko kay Jennylyn (Mercado) kung ano ang mga gagawin namin.

“Sabi ko kay Jen, ‘o magsu-swimming tayo, ha! Magsu-swimsuit tayo rito. Tapos ako, magti-t-back para mas nakakatuwa.’

“Pero, nu’ng gagawin na namin ang eksena, sabi ko, teka lang, kaya ko bang gawin ‘yon? Parang napasubo ako.

“Eh, nasabi ko na kay Jen. Kaya sabi ko, sige, panindigan na lang. So, ginawa na namin.

“Nag-t-back talaga ‘ko. Kita talaga ang puwet.

“Actually ‘yun ang babayaran ng mga tao. Nagpakita ako ng puwet.

“Sabi ko nga, ibang Paloma. Sinagad ko na.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?