198

Mar 26, 2020 @ 18:10
By

Coco Martin, namura dahil kay Pimentel

Biglang nadamay ang aktor na si Coco Martin sa isyu ni Senador Aquilino Pimentel III.

Matatandaang binabatikos ngayon si Pimentel dahil sa pagsama nito sa kanyang buntis na asawa sa ospital sa kabila na positibo pala siya sa COVID-19.

Isang netizen ang nag-post ng litrato ni Martin habang kasama sa ospital si Julia Montes na may katabing sanggol.

Hindi malinaw kung saan nanggaling ang larawan o kung edited lang ito.

“Nilagay mo sa panganib hindi lamang ang mga staff, nars, at doktor kundi pati na rin ang mag-ina mo!!! Ina mo Koko!!!” sabi ng nag-post na si @J0PA0.

Natawa ang mga netizen sa post na ito na tila nagkamali o sinadya dahil katunog ng pangalan ng aktor ang palayaw ng senador na “Koko”.

@beautyglambabe: “Hahahahah.”

@RN_ellva: “Loko haha.”

@ObrialReggie: “Hahaha akala ko ba si kuko pimentel Coco Martin pala?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?