7,848

By

Coco Martin nagsalita na sa isyung panganganak ni Julia Montes

Hindi na napigilan ng aktor na si Coco Martin na sagutin ang mga pinagsasabi ng mga naninira umano sa kaniya dahil sa kumakalat na bali-balitang nanganak na ang kaniyang ‘girlfriend’ na si Julia Montes at siya umano ang ama.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ang aktor hinggil sa isyu.

Ayon kay Coco, hindi umano siya pinalaki ng kaniyang lola na nakikialam sa buhay ng ibang tao, at aniya hindi ito nangangahulugan ng kabaklaan.

“Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan. may kanya kanya tayong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito. at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino Kaman. hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!” ani Coco.

“Nag tatrabaho lang ako at may meron din akong pribadong buhay. wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko,” dagdag pa nito.

View this post on Instagram

Sabi ng Lola ko nung bata pa ako mag sumikap ka sa buhay para matupad mo lahat ng mga pangarap mo at makatulong ka sa pamilya mo at pagkatapos tumulong ka sa iyong kapwa. mahirap lang ang buhay namin simple pero mapayapa. hindi kami ng aapi at ng aagrabyado ng tao at lalo hindi po kami nakikielam ng buhay ng ibang tao. Sabi sakin ng Lola ko ang mga tao mahilig pag usapan ang buhay ng ibang tao ay ang mga taong walang magawa sa buhay nila kaya kaysa ayusin nila ang buhay nila at alagaan ang kanilang mga anak ang kanilang mga magulang mag sumikap sa kanilang trabaho at mag aral ng mabuti mas inilalaan nila ang oras at panahon nila para pag usapan ang buhay ng ibang tao paramanira! Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan may kanya kanya tayong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo! Nag tatrabaho lang ako at may meron din akong pribadong buhay wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko. masmaganda siguro humanap tayo ng ibang kapakipaki nabang na paguusapan para sa ating lipunan para may maiambag nman tayo sa ating bayan! Salamat sa pagbigay mo ng panahon para pagusapan ang buhay ko. Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko. tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo nalang ang ikwento mo sigurado ako mas intersante ang buhay mo! Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sasarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira! Pasensya kana ang desisyon ko ay panatiliin tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo!!! God bless…😉😉😉

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Hinikayat ni Coco ang mga ito na humanap ng ibang isyu na makatutulong upang gumanda ang buhay ng ibang tao at nang hindi ang mga ito nakikialam sa buhay ng iba.

“Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko. tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo nalang ang ikwento mo,” saad ni Coco.

“Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sasarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira! Pasensya kana ang desisyon ko ay panatiliin tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo!!!” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?