26

By

Coco Martin nagpasaya sa Christmas party sa Payatas

Kahit busy sa kanyang top-rating teleserye na “Ang Probinsiyano” at 2019 Metro Manila Film Festival entry na “3Pol Trobol Huli Ka Balbon”, hindi nagdalawang-isip si Coco Martin na manguna sa pagpapasaya sa mga bata sa Payatas.

Sumuporta ang Kapamilya actor sa Christmas party at gift-giving ng Mother of Divine Providence Parish na suportado ng Tanging Yaman Foundation para sa mga bata at kanilang pamilya sa Payatas noong November 30.

Nasa 175 na bata ang napaligaya sa Christmas party na ginanap sa basketball court sa gilid ng St. Joseph Litex Chapel sa Abril, Payatas.

Kada taong isinasagawa ng ABS-CBN ang Christmas party at gift-giving para sa mga bata sa Payatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?