242
Coco, Mark Lapid nagkita sa Porac, Pampanga
By

Coco, Mark Lapid nagkita sa Porac, Pampanga

Bilang suporta sa pagtakbong alkalde ng kapwa niya “Ang Probinsyano” actor na si Mark Lapid, nagtungo sa Porac, Pampanga si Coco Martin.

Sa Instagram post ni Mark, makikita ang pagsalubong niya kay Coco.

“Maligayang pagdating sa aming Bayan ng Porac Kapatid @mr.cocomartin #teamlapid #3mayormarklapid,” saad ni Mark sa caption ng video clip.

Matatandaang kamakailan lang nang tsugiin ang karakter ni Mark na si Anton sa longest-running TV series dahil sa pagtakbo sa mayoralty race sa Porac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?