44

By ,

Coach George super proud kina Heather, Jerilli, Kyle

Bagaman kinapos ang Far Eastern University na masungkit ang back-to-back finals appearance nila sa UAAP Season 81 women’s volleyball, proud pa rin si Lady Tamaraws coach George Pascua sa kanyang tropa.

Bigo ang FEU sa Ateneo Lady Eagles 25-20, 21-25, 25-23, 25-14 Miyerkoles sa KO semis para matapos ang kanilang season.

“Personally, very proud ako sa mga player ko kasi hindi biro ‘yung challenges na pinagdaanan ng team, sabay-sabay ‘yung injury and this game lumaban pa rin sila,” sabi ni Pascua sa post-game interview.

Lumaban ang mga taga-Morayta para muling makalusot sa finals ng liga pero hindi naging sapat ito hanggang sa tuluyang ng nanlumo sa pagtatapos ng fourth set.

Tila naging kabaligtaran ang naging istorya ngayong Game 2 dahil hindi na-sustain ng tropa ang magandang depensa nito na naging susi sa kanilang panalo noong Game 1.

“Yung naging weakness ng Ateneo na strength namin which is ‘yung depensa parang nagkabaligtad. So doon kami na-dominate nang husto,” dagdag nito.

Proud din si Pascua sa tatlong graduating players na sina Jerilli Malabanan, Kyle Negrito at Heather Guino-o sa pinakita nitong puso at tatag sa buong season na ito.

“Ako very proud sa kanila, umpisa pa lang nagpapa-thank you na ako sa kanila na andyan sila para sa sumuporta sa team na ‘yung unfinished business last season gusto namin ma-achieve. But unfortunately hindi namin na-gain ngayon,” wika nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?