63
dwane

Coach Casey, sinibak ng Toronto Raptors

Tinanggal na ng Raptors ang coach nilang si Dwane Casey nitong Biyernes.

Sinibak si Casey matapos ang pitong seasons sa Raptors, apat na araw ito nang walisin ng Cleveland Cavaliers sa second round ang Toronto.

“After careful consideration, I have decided this is a very difficult but necessary step the franchise must take,” ani Raptors president Masai Ujiri sa pahayag sa USA Today. “As a team, we are constantly trying to grow and improve in order to get to the next level.”

Dahil umano ito sa dalawang beses nang kabiguan ng Raptors na makatuntong ng finals.

Wala pang napipisil na kapalit ni Casey pero matunog ang mga pangalan nina dating Atlanta Hawks coach Mike Budenholzer, Raptors assistant Nick Nurse, Raptors 905 coach Jerry Stackhouse, dating New Orleans at Oklahoma City coach Monty Williams, at San Antonio assistant Becky Hammon, ayon sa CBC Sports.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?