41

Clutch! Perez sinalba ang Columbian vs San Miguel

Isinalba ng Columbian Dyip ang natitira nitong maliit na tsansa sa playoffs matapos nitong itakas ang 134-132 panalo sa overtime kontra sa powerhouse na San Miguel Beer sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Sinandigan ng Dyip ang top rookie pick nito na si CJ Perez sa natitirang 14 segundo at isang tres ni Glenn Khobuntin sa huling 42.4 segundo ng laro upang putulin ang tatlong sunod na kabiguan at buhayin ang tsansang makaagaw ng silya sa susunod na labanan sa bitbit nitong 2-6 panalo-talong record.

Muli din pinatikim ng Columbian nang kabiguan ang Beermen sa kanilang hulling dalawang paghaharap matapos nito na unang biguin sa kanilang paghaharap sa pagsisimula ng kanilang kampanya noong Philippine Cup.

“Nagbunga lang ang effort namin na manalo sa mas malaking team. Ito po ay collective effort ng team. Naghanap kami ng paraan para manalo,” sabi ni Perez na nagtala ng kabuuang 34 puntos, walong rebounds, apat na assists at apat na steal para sa Dyip.

Una munang ipinasok ni Glenn Khobuntin ang isang tres sa natitirang 42.4 segundo ng dagdag na limang minuto para iangat ang Dyip sa 132-128 na abante bago ang pansegurong basket ni Perez.

Ang panalo ay nagbigay naman sa import nito na si Lester Prosper sa una nitong panalo sa liga.

Unang ibinigay ni Glenn Khobuntin sa natitirang 10.4 segundo sa regulasyon ang 118-115 abante matapos na iniangat ni Rashan McCarthy ang Dyip sa natitirang 42.1 mula sa lay-up sa 116-114.

Bago magsimula ang laro ay iginawag kay Marcio Lassiter ang tropeo bilang bagong miyembro ng 5,000 points club at ika-91st manlalaro sa kasaysayan ng liga na nakasama sa bihirang samahan.

Hindi naman natapos ni Jackson Corpuz ang laro matapos itong magtamo

Ibinuhos muna ng Beermen ang 12-5 para agawin ang 96-93 abante sa 7:35 ng ikaapat na yugto.

Matapos magtabla sa 5-all ay nagbuhos ang Columbian ng kabuuang 19-7 run upang agad na itala ang 12 puntos na abante sa 33-21 mula sa isang jumper ni import Lester Prosper, may 1:14 sa unang yugto. Nagawang ibuhos ng Dyip ang diretsong 11 puntos tungo sa kabuuang nitong 33 puntos sa unang yugto.

Nagawa umahon ng Beermen sa ikalawang yugto matapos ang jumper ni June Mar Fajarado at ang magkasunod na tres ni Von Pessumal para sa kabuuang 8-0 bomba na ang huli ay sa 7:12 minuto upang itala nito ang pagkapit sa limang puntos na abante, 42-37

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?