63

By

Clint Bondad, opisyal nang Kapuso

Bahagi na ng GMA Network ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nitong Martes pumirma ng kontrata sa Kapuso si Clint Bondad.

Sinaksihan ito nina GMA Artist Center Assistant Vice President at Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer at Co-manager John Brillantes.

Ani Clint, utang na loob niya ang pagiging Kapuso kay Jennylyn Mercado dahil ang aktres ang nagpakilala sa kaniya sa GMA.

Kasalukuyang kasama si Clint sa “Love You Two” nina Jennylyn at Gabby Concepcion.

Regular din siyang lumalabas sa “Sunday Pinasaya”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?