92
Clinic na namatayan ng pasyente sa lipo, kinandado
By

Clinic na namatayan ng pasyente sa lipo, kinandado

Isinara nitong Huwebes ang Makati clinic kung saan namatay ang isang negosyante habang nasa gitna ng liposuction procedure.

Bata sa order of desistance, sinabi ng Makati government na pinasara ang Contours Advanced Face and Body Sculpting dahil wala itong permit.

Tinanggi naman ni Roel Pulido, legal counsel ng naturang klinika, na hindi ito nagbayad ng renewal ng business permit.

Samantala, inihahanda na umano ng Crimes Against Person Section ng Makati Police ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa mga doktor na sina Claudine Roura at Katrina Bulseca kaugnay sa pagkamatay ni Nory Bobadilla sa liposuction.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?