2,142
Claudine pinasilip ang bagong baby
By

Claudine pinasilip ang bagong baby

Binahagi ni Claudine Barretto ang bagong blessing sa kanyang pamilya.

Sa Instagram ay pinakita ni Claudine ang ikaapat niyang anak habang yakap ito sa kanyang bisig.

“Meet My Noah Joaquin my Palanggas. Truly Gods gift.i am now Complete as a Mother.im so BLESSED BEYOND WORDS! We Praise you Lord, Abba Father,” ayon sa post ni Claudine.

Una nang napag-usapan na may bagong parte ng pamilya Barretto matapos mag-drawing ang kanyang anak na si Sabina ng family picture na may nakasulat na Noah.

Ito ang ikaapat na anak ni Claudine, kasunod nina Sabina at Quia, na pareho ding ampon, samantalang si Santino ay anak nito sa dating asawa na si Raymart Santiago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?