254

By

Claudine dapat daw gayahin si Kris

Ang makapag-move on ang ilan sa mga komento ng mga follower ni Claudine Barretto sa posting niya ng pasasalamat sa suporta ng fans hinggil sa ginawa niyang pagsisiwalat sa sitwasyon nila ni Raymart Santiago at ang kakulangan nito ng atensiyon sa dalawa nilang anak na sina Santino, 10, at Sabina, 13.

Naging controversial ang post ni Sabina sa kanyang IG sa larawan ng ama at sa diumano’y kasintahan nitong non-showbiz.

Sinabi nitong “You Guy’s Happy?”, ang simple pero may kirot na mensahe ni Sabina sa caption ng larawan.

Ipinagtanggol ni Claudine si Sabina sa pamamagitan ng card post niya ng mga dahilan kung bakit naging vocal si Sabina sa nakitang karelasyon ni Raymart.

Dito sinabi ni Claudine na matagal nang hindi nakikipag-cooperate si Raymart sa dapat sana’y counseling nito sa mga anak kahit na nga binali ng aktres ang court order na tuwing Sabado lang maaaring bisitahin ng aktor ang kanilang mga anak.

Labas-masok daw sa kanilang bahay si Raymart at kahit anong araw ay puwede nitong dalawin ang mga anak, pero sa kabila nito, hindi pa rin regular na nakikita ng dalawang anak ang kanilang ama.

Marami pang ipinunto si Claudine gaya ng utang nila na umaabot na sa P4 milyon dahil sa hospital bills at tuition fee sa hindi pakikihati ni Raymart.

Ilan sa followers ng aktres ang nagpayo na huwag na nitong habulin pa at mag-move on na kay Raymart.

Gayahin daw ni Claudine si Kris sa pagtalikod nito kay James Yap.

@imkhylekodydadmom: “@claubarretto simple lang po ang problema nyo, kayo na rin po ang nagsabi na matagal na kayong hiwalay ni Raymart give him the freedom to love again besides nasa paguusap nyo na po yan kung paano ang arrangement nyo sa kids gayahin nyo si Kris (Aquino) hindi siya nagpapa-apekto kay James even may kinakasama ulit at take note my anak pa. Instead tumayo si Kris for her kids and explain well esp kay Bimb and she don’t pakialam or habol, nasa pagi-explain yan sa mga bata…”

@jan_1128official: “@claubarretto, I really understand you and feel sorry for kids but perhaps it’s time for you to forget him and explain to your kids and you guys will just focus the future together even without the presence of Raymart? You’ve done enough to chase him, you did everything for the kids but if you feel like Raymart doesn’t care about your feelings? Nahh, it’s time for you to raise your head and forget about him. Look at Kris Aquino, she just work hard and never beg or chase the father of her kids for any attention and stuff, she live in peaceful life with full of love with her kids….”

Gustuhin man ni Claudine na sagutin lahat ng comments ng kanyang followers para ipaliwanag ang sarili at ang kanyang mga anak, nagpasalamat na lang ang aktres sa kanyang caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?