289

By

Claudine Barretto nagpatulong kay Rico Yan

Dinalaw ni Claudine Barretto ang puntod ni Rico Yan, kasunod ng paghimlay sa kanyang tatay na si Miguel Barretto.

Sa kanyang Instagram ay nag-post si Claudine ng video kung saan nagpapatulong siya sa dating love team na si Rico Yan para sa kanyang tatay.

“Rico pls help me. take care of Daddy,” ayon kay Claudine.

Si Rico ay naging ka-love team ni Claudine, na nagkaroon ng ilang sikat na pelikula tulad ng “Mula Sa Puso,” “Saan Ka Man Naroroon,” “Dahil Mahal Na Mahal Kita” at “Got 2 Believe.”

Yumao si Rico Yan habang natutulog noong Marso 29, 2002 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?