157

By

Clarkson itatapon ng Cavaliers?

Sa 2020 ay matatapos na ang kontrata ni Jordan Clarkson sa Cleveland Cavaliers, ngunit posibleng magsuot na ito ng ibang jersey bago pa man magsimula ang susunod na season.

Ayon sa report ng Cleveland.com, sa nagdaang offseason ay tinitingnan na ng Cavaliers ang posibilidad na ma-trade ang Fil-Am guard, maging ang starting big man na si Tristan Clarkson.

Dahilan ng Cavs, hindi kasama ang dalawa sa long-term plan ng koponan at mas mabuting mapakinabangan bilang trade piece kaysa matapos ang kontrata sa 2020.

“The value Cleveland can receive in a deadline swap would outweigh what both can bring on the court. The Cavs need to maximize that value,” ayon sa report ng Cleveland.com.

Sa nakalipas na season, 16.8 points, 3.3 rebounds at 2.4 assists ang average ni Jordan kada laro, isa sa mga primerong scorer ng Cavs sa bench.

May natitira pang $13.4M sa kontrata ng 27-year old guard, na dati nang nagsilbi sa PH national team sa 2018 Asian Games kung saan tumapos ang Team Pilipinas sa fifth spot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?