41

By

Clarkson 10-0 sa Jazz

Tila lucky charm sa Utah Jazz ang paglipat sa kanila ni Jordan Clarkson.

Sa sampung games simula nang mai-trade ang Fil-Am cager, wala pang mantsa ang record ng Jazz.

Limang laro na lang ang kailangan ng Utah para mapantayan ang kanilang longest win streak sa franchise history.

Binitiwan ng Cleveland Cavaliers si Clarkson kapalit ni Dante Exum noong Disyembre.

Sa kabila na limitado lang ang inilalaro niya sa Jazz, malaki na ang impact ni Clarkson sa bago niyang koponan.

Nag-average siya ng 15 points kada game sa 46.1% shooting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?