97

Mar 20, 2020 @ 19:14
By

CJ Perez purnada ang kasal sa COVID-19

Kanselado man ang kasal ni Rookie of the Year CJ Perez dahil sa coronavirus, hindi nito nalimutan ang mga empleyado ng PBA na apektado ng suspensiyon ng mga laro ng liga.

Sa kanyang Instagram, binalita ni Perez na nag-donate siya ng P25,000 sa kanyang PBA family.

“Bigger than the game, teammates for life. I’m donating P25,000 to our PBA Family,” caption ni Perez.

Bago noon ay nagdesisyon siya at fiancé na si Sienna Catacutan na i-postpone ang wedding dahil sa enhanced community quarantine.

“Damn Coronavirus! In light of the recent situation, we would like to let our friends and family know that we are postponing our wedding. Stay safe guys,” ani Perez.

View this post on Instagram

stay safe everyone 😊

A post shared by Cjay Perez (@cjayp7) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?