43

By

CJ Perez mala-‘Hulk’ sa 3×3 gold medal game

Beast mode ang laro ni CJ Perez para gutayin ng Gilas Pilipinas ang Indonesia sa men’s 3×3 basketball sa 30th Southeast Asian (SEA) Games Lunes ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Tinambakan ng Gilas ang Indonesia, 21-9.

Nagpasiklab si Perez sa 10 points kabilang ang trending niyang ‘posterized dunk’ may 7:10 marka sa sagupaan.

Perpekto sa 8-0 ang record ng Gilas 3×3 sa tournament.

Umayuda naman kay Perez sina Chris Newsome at Jason Perkins na may tig-4 points habang 3 points naman para kay Mo Tautuaa kabilang na ang pasabog na 2-digit basket para selyuhan ang laro at ibigay ang gintong medalya sa Pilipinas.

Samantala, pinag-usapan naman sa Twitter ang mala-“Hulk” na laro ni Perez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?