190

By

Cielo Guico kinoronahan sa beauty pageant para sa PWD

Napuno ng mga ngiti at palakpak ang SMX Convention Center sa Pasay City kahapon dahil sa ginanap na Miss Possibilities 2019, isang patimpalak na para sa mga babaeng edad 12 pataas na may special needs.

Si Cielo Marie Guico ang nagkamit ng titulo, korona at sash sa nasabing beauty pageant.

Kakaiba ang Miss Possibilities dahil ito ang unang patimpalak sa Asya na para sa mga taong may special needs.

Sa ngayon, nasa ikalimang taon na ito ng pagmumulat sa publiko tungkol sa mga persons with disabilities (PWD). Layon din ng Miss Possibilities na palaguin ang self-confidence ng mga PWD at baguhin ang kahulugan ng “tunay na kagandahan.”

Ilan pa sa mga nagwagi mula 2015 sina Nicey Ignacio, Alyssa Guerrero, Jennica Garcia at Samantha Pia Cabanera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?