189

Aug 4, 2018 @ 12:36
By

Chynna inspirasyon si Ms. Charo Santos-Concio

Walang masama kung mangarap ng mataas.

Hindi naman kasi nabibili ang pangarap. Pinaghihirapan ito kung gusto mo itong abutin.

Tulad na lang ng isa sa may mahalagang role na ginagampanan sa Victor Magtanggol, ang namamayagpag na heroserye ngayon sa GMA-7, si Chynna Ortaleza.

Ani Chynna, gusto raw niyang mamahala ng malaking TV network someday tulad nina Atty. Felipe Gozon ng GMA-7 at Ms. Charo Santos-Concio ng ABS-CBN.

Humingi pa ng paumanhin ang misis ni Kean Cipriano nang sabihin ang kanyang pangarap.

Masipag um-attend ng workshop si Chynna kahit mahusay na siyang artista.

Sambit ng aktres, marami pa raw siyang bagay na hindi alam.

Matagal na ring artista si Chynna at feeling niya ‘yun ang naging daan para matuto siya tungkol sa industriya.

Maging ang kurso ng aktres nu’ng siya’y college ay Communication Arts at may koneksyon sa kanyang trabaho.

Pinayagan siyang mag-full time na mag-artista ng ama, pero sinabihan siya na ‘wag lang maging tanga.

“Iyan talaga ang sabi ng tatay ko, na ‘Huwag ka lang mag-stay diyan sa tent mo at tumanga’.”

At ang naisip ni Chynna ay ang magpatakbo ng malaking network.

Ibig daw niyang tularan si Ms. Charo na nag-artista bago naging top executive ng ABS-CBN.

Si Ms. Charo raw ang kanyang inspirasyon para sa minimithing pangarap.

“Actually, oo isa rin siya sa mga tao na parang pag nakikita ko siya nai-inspire ako sa kanya.Iyon talaga iyon, honestly.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?