23
CBCP Walk for life

Church groups nagsama-sama sa ‘Walk for Life’

Pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop at CBCP Commission on the Laity chairman Broderick Pabillo ang pagdarasal sa ginanap na prusisyon sa Quiriono Grandstand kaninang umaga, ayon sa social media posts ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Kasama ang mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings sa ‘Walk for Life’ na ginanap sa Maynila.

Nanguna rin sa aktibidad ang Sangguninang Laiko ng Pilipinas, ang umbrella organization ng lay groups sa bansa.

Ang ‘Walk for Life’ ay may layon na matalakay ang mga isyu gaya ng war on drugs, abortion at pagbuhay sa death penalty ng administrasyong Duterte.

Inaasahang isasagawa rin ang katulad na aktibidad sa Tarlac, San Pablo, Cebu at Cagayan de Oro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?