256

Mar 24, 2020 @ 20:38

Christopher de Leon pumila din bago mag-COVID-19 test

Walang VIP treatment ang binigay sa aktor na si Christopher de Leon bago nito malaman na positibo siya sa coronavirus.

Sa tweet ng kanyang anak na si Mariel de Leon, binahagi nito na naghintay din ang kanyang ama bago ma-test sa COVID-19.

“Like everyone else there, he had to wait hours in line because they ran out of tests that morning/afternoon so they had to wait longer. He was more worried for my mom because she is a kidney transplant patient (among other health issues),” ayon kay Mariel.

Aniya nangangamba din si Christopher sa mga kasama sa bahay tulad ng kanyang asawa na si Sandy Andolong at ilan pang matanda sa kanilang bahay na baka mahawaan ng COVID-19.

Ito’y nilinaw ni Mariel matapos na may mag-tweet na tila nagpa-VIP daw ang kanyang tatay sa COVID-19 test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?