106

By

Christopher at Gladys ipinagdiwang ang busog na pagmamahalan

Sinariwa nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang matagal na nilang pagsasama.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Gladys ang larawan nila ng asawa noong binata’t dalaga pa sila para alalahanin ang 26 na taon na nilang pagsasama dahil ipinagdiwang nila ang kanilang anibersaryo noong January 23.

“To summarize our 26years of togetherness with these pictures to sum up our journey that is truly worthwhile. January 23 marks our 11th year of bf/gf relationship and 15th year of saying “I do’s”. God knows how grateful I am for waking up each day beside my “answered prayer” with our beautiful children. Thank you bebe @christopherroxas, everyday it gets better and better,” sabi ni Gladys sa caption.

Bago ang kanilang anniversary ay nag-post din si Gladys ng video ng reaffirmation of vows nila ni Christopher na ginanap sa Tagaytay City noong nakaraang taon.

Nag-post din sa sarili niyang IG account si Christopher ng pagbati kay Gladys na nilagyan niya ng larawan mula noong tinedyer sila.

“Happy anniversary bebe…” sabi ni Christopher.

Nagkakilala ang dalawa sa teleserye ng ABS-CBN na “Mara Clara”, na umere sa telebisyon mula 1992 hanggang 1997.

Ikinasal sila noong 2004 at nagkaroon ng apat na supling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?