200

By

Christine Silawan, inihatid na sa huling hantungan

Nailibing na sa Cattleya Cemetery sa Cordova, Cebu nitong Marso 23 si Christine Lee Silawan, ang 16-anyos na brutal na pinatay sa Lapu-Lapu City.

Ayon sa report, libo-libo umano ang nakiramay sa pamilya ni Silawan na nakasuot ng #JusticeforChristine shirts.

Sa kabila naman ng paghingi ng hustisya ng marami sa pagkamatay ni Silawan ay pinakawalan ang 17-anyos na suspek sa malagim na krimen.

Dakong alas-12:45 ng tanghali umano ay inalis na sa Home Care Facility sa Lapu-Lapu City Social Welfare and Development ang binatilyong suspek at dinala sa isang safehouse para sa kanyang seguridad.

Naglabas ang Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office ng Omnibus Motion para sa kalayaan nito dahil hindi umano sumunod sa legal procedures ang pag-aresto sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?