86

Apr 10, 2020 @ 19:26
By

Christian Bautista may payo sa mga gustong kumita sa real estate

Binahagi ni Christian Bautista ang kanyang karanasan at ilang tips sa mga gustong pumasok at kumita sa real estate na foreclosure.

Sa isang webinar, kinuwento ng singer kung paano ito pumasok sa real estate.

“We saw this apartments for sale, and we checked it out who owned it, the bank owned it pala tapos foreclose pala,” sabi ni Christian.

“No one wanted to touch it or buy it for some reason. We investigated, we found out why. We asked help from lawyers that we know on how to properly go about and buy this property,” kwento pa ni singer.

Matapos umano nito ay naresolba ng singer ang problema at nabili ang property.

“It is hard, some of the foreclose properties would have some legal issues, but if you’re smart enough to know how to deal with them and when you have the right people, it is possible to get a very good deal,: sabi pa ni Christian.

Sinabi rin ng singer na lagi itong tumitingin sa listahan ng mga foreclose property mula sa bangko. Pinipili rin umano niya ang lokasyon ng mga ito at kinokonsidera ang malapit sa kanyang pamilya para mayroon umanong magbabantay sa mga ito at mas madaling maasikaso para maibenta.

Narito ang bahagi ng panayam kay Christian na binahagi ng entrepreneur/author na si Marvin Germo:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?