256

Chris Tiu nagluksa sa pagpanaw ni ‘Ahya’ Bong Tan

Maging si dating veteran basketball player Chris Tiu ay nagulat at nalungkot sa balita ng pagpanaw ni billionaire-businessman Lucio “Bong” Tan, Jr.

Nag-collapse ang dating University of the East Red Warriors head coach noong Sabado sa inter-department league game sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong at na-confine sa ospital.

Ngayong Lunes, pumanaw ito sa edad na 53 dahil sa brain herniation.

Marami ang nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng yumaong Tan, kasama na nga si Tiu.

“What a shocking and sad day. Rest in peace Ahya Bong Tan. Thank you for being a good friend and big brother to me,” saad ni Tiu sa Twitter. “Ahya” ang katumbas ng “kuya” sa wikang Chinese.

“I’ve never met anyone so in love with basketball and competitive like you! We will miss you,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?