86

Chris Tiu inakay ang RoS sa panalo vs GlobalPort

Sa kabila ng sugat sa labi, naging bayani naman si Chris Tiu sa Rain or Shine matapos padapain ang GlobalPort, 96-90 sa mainitang laban sa Smart-Araneta Coliseum kanina.

Si Tiu ang kumana ng 3s para palobohin ang lamang ng Elasto Painters sa lima, 1:19 na lang natitira sa laro.

Nakuha ng RoS ang kanilang ikalawang sunod na panalo at mabawi ang unang puwesto sa record na 5-1 bago ang All-Star break.

Laglag ang Batang Pier sa 3-3.

Nauwi sa sakitan ang laban sa huling bahagi ng fourth quarter kung saan na-eject sina Maverick Ahanmisi ng RoS at Kelly Nabong ng GlobalPort.

Si Tiu naman ay nasira ang labi matapos masiko ng GlobalPort import na si Malcolm White sa fourth quarter subalit naglaro pa rin matapos lapatan ng lunas.

Iskor: Rain or Shine 96 – Johnson 18, Yap 14, Ahanmisi 13, Almazan 12, Tiu 10, Ponferada 9, Daquioag 7, Belga 6, Norwood 5, Torres 2, Nambatac 0.

GlobalPort 90 – White 21, Pringle 15, Anthony 14, Nabong 13, Tautuaa 8, Elorde 8, Grey 4, Javelona 3, Sargent 2, Guinto 2, Teng 0, Arana 0.

Quarterscores: 30-26; 45-45; 67-62; 96-90.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?