90
Chris Ross, Tony dela Cruz ng PBA nagsalita tungkol sa mental health
By

Chris Ross, Tony dela Cruz ng PBA nagsalita tungkol sa mental health

Binuksan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang pinutuan sa mga manlalaro na magsalita tungkol sa mental health.

Saad ng star guard ng San Miguel na si Chris Ross, ito na ang simula ng adbokasiya na sa paglaon ay maaaring maabot ang mas maraming tao sa darating na panahon.

Ayon kay Ross, maswerte siyang mayroon siyang platform sa PBA kung saan ay na-eelaborate niya ang mental health issue na madalas na binabalewala ng iba dahil sa stigma na pumapalibot sa mga taong nakararanas ng mental health issues.

“I’m just one guy who has a voice and trying to use his platform in a good way,” saad ni Ross sa naganap na Players’ Orientation noong Biyernes sa Meralco Theater.

“Hopefully, I could reach one person that’s going through something.”

“All it takes is one person to reach, hopefully I could reach one and they could reach another person and we just keep going on from there.”

Nakiisa si Ross kay retired Alaska captain Tony dela Cruz sa pagtalakay sa mental health hindi lamang sa loob ng liga kundi maging sa labas nito.

Saad ng dalawang atleta, sino man ay maaaring mag-suffer mula rito at isang hakbang upang matulungan ang sino mang nangangailangan ay ang bukas na pag-usapan ang naturanf isyu.

Kwento ni Ross, mayroon siyang malapit na kaibigan na nag-suicide dahil sa mental health issue, isang bagay na aniya ay maiiwasan kung mayroon lang sanang nakinig dito.

“Once that happened to my friends in the States and to my friends out here, I felt like I could use that platform [being a PBA All-Star] to talk about it,” saad nito.

“You never know who’s watching, you never know who’s listening.”

“Hopefully, they could use those words and won’t be scared to reach out to someone and try to get up.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?