50
abante-tnt-vismin-chris-paul
By

Chris Paul tagilid sa Game 7

NANGANGAMBA na ang Houston Rockets fans na baka hindi na muling makatapak ang kanilang star point guard Chris Paul sa huling laro ng NBA Western Conference Finals kaharap ang star-studded cast ng Golden State Warriors.

Ito ay base sa mga kuliglig ng ESPN na sinabing maliit ang tsansa na makabalik pa si Paul sa Game 7,
“Less likely than likely, but working every angle to try.” ayon sa tweet ni ESPN reporter Adrian Wojnarowski.

Tumumba ang 33-anyos na si Paul sa Game 5 ng serye dahil sa leg hamstring na kanyang nakuha patapos sa dulo ng 4th quarter kung saan naitakas pa ang panalo ng Rockets, 115-86.

Malaking kawalan para sa Houston-based team ang pagkawala ng kanilang star playmaker na nag-aambag ng 19 puntos, 5 assists at 5.8 rebounds sa serye lalo na’t isang panalo na lang ang kanilang kailangan upang makatuntong sa NBA Finals na huli pang nakamit noong 1995.

“He’s so integral in what we do and the spirit of the team. And him being here is a big deal, and him being on the bench is a big deal. He’ll will us through, if he can.” ayon kay D’Antoni.

Sakaling hindi makasalang si Paul, kakailanganin ni All-Star James Harden nang mabigat na tulong mula sa iba pang manlalaro ng Rockets upang matigil ang paghahari ng Warriors sa international league.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?