99

By

Chris Paul matanglawin! Naka-tucked out jersey ng kalaban, nagpanalo sa OKC

Kailangang mag-ingat ng mga nakakalaban ni Chris Paul, kahit sa pag-tuck in ng jersey.

Sa laban ng Oklahoma City Thunder kontra Minnesota Timberwolves, nakapwersa pa ng overtime at nakatakas pa ng panalo ang OKC dahil sa pagrereklamo ni Paul sa mga official.

Lamang ang Minnesota, 121-119, 1.1 segundo na lang ang nalalabi sa laban.

Habang nagfi-free throw si Karl Anthony-Towns ay makikitang may tinuturo si Paul sa baseline referee.

Dito ay biglang may pito, technical foul kontra kay Jordan Bell dahil sa delaying of the game infraction sa hindi naka-tuck in na jersey.

Dahil dito’y nakasalpak ng free throw ang OKC, ilang sandali lang ay nakagawa ng big play sina Steven Adams at Dennis Schroeder para magtungo sa overtime at maitakas ang panalo, 139-127.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?